I.Iba’t-ibang kahulugan at proseso ng
pagbasa
a. kahulugan at katangian ng pagbasa
*Pagbasa - ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng aktor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo.
*Proseso at Katangian
1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa.
3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
4. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.
Limang Panukatan o Dimensyon sa Pagbasa
“Ang pagbabasa ay psycholinguistic game dahil ang isang mambasa ay
binubuong muli ng kaisipan o mensahe hango sa kanyang tekstong binasa.”
- Goodman
- Goodman
Ang pagbabasa ng mga aklat, magasin,
pahayagan at iba’t ibang akdang pampanitikan ay may layuning hindi lamang
malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa kundi magkaroon sila ng mga
kaalamang kaugnay ng pagmamahal ng Diyos, bayan, kapwa tao at kalikasan, mga
kagandahang asal,mga aral at mga karanasang maiuugnay sa katotohanan ng buhay.
May limang panukatan o dimension sa pagbasa na makatutulong sa paglinang ng mga
nabanggit na layunin.
I. Pag-unawang Literal
1. Pagkuha ng pangunahin,
literal at tuwirang kahulugan ng salita, o pagkuha nito ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap.
2. Pagkuha ng mga ideya at
impormasyong maliwanag na sinabi ng babasahin
3. Pagsasalin ng kaisipan ng may akda sa sariling pagkakaunawa ng bumabasa.
4. Pagkilala (recognizing) - mga
informasyon o ideyang malinaw na isinasaad ng binasa.
a) Detalye o nilalaman ng kwento
(pangalan ng mga tauhan,panahon,pook)
b) Pangunahing Kaisipan ng
talata
(malaking
bahagi ng kwento)
c) Paghahambing (Comparison)
pakakapareho o pagkakaiba (mga tauhan,panahon,pook)
d) Sanhi at Bunga (Cause and
Effect)
dahilan ng:(mga tiyak ng pangyayari, kilos sa loob ng
seleksyon)
e) Mga katangian ng Tauhan
(Character Traits)
malinaw sa mga pangungusap ang
makakatulong sa paglalarawan sa katauhan ng isang tao.
5. Paggunita
(Recalling)-Makagawa sa sariling pangungusap at maipaliwanag na mabuti ang mga
sinasabi sa loob ng kwento.
6. Pagbubuo ng Kaisipan
(Reorganization)
a) Pagbubukud-bukod ayon sa
kategorya (Classifying)
1) tao
2) bagay
3) pook
4) pangyayari
b) Pagbabalangkas (Outlining)
1) Pagsasaayos ng akda ayon sa balangkas
ng:
2) Tuwirang pagpapahayag
3) Pagpapakahulugan sa mga
pahayag sa loob ng akda
c) Paglalagom (Summarizing)
1) Pagbubuod ng akda sa
pamamagitan ng tuwirang pagpapahayag o pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob
ng akda.
d) Pagsasama-sama (Synthesizing)
1) Pagsasama-sama ng mga
informasyon o ideyang nangaling sa ibat’t ibang pananaliksik.
II. Interpretasyon (Interpretation)
1. Pagbasa sa pagitan ng mga
pangungusap kung kwento at mga taludtod kung tula.
2. Pagkuha ng malalalim na
kahulugan, bukod sa mga nakuha ng literal na kahulugan.
3. Pagbibigay ng inaasahang
kahulugan ng mga salita na hindi tuwirang sinasabi sa aklat.
4. Paglalahad ng tunay na
kaisipan ng may akda kasama pati ang mga implikasyon at karagdagang kahulugan
nito.
5. Pagkilala sa tunay na
hangarin at layunin ng may akda.
6. Mabigyan ng kahulugan ang
kaisipan ng may akda.
7. Makilala at mabigyan ng
kahulugan ang mga pamamaraan sa pagsulat at paggamit ng mga tayutay.
8. Pagbibigay ng kabuuan ng kwento
na hindi malinaw na ipinapahayag ng may akda.
9. Pagsasaayos sa panibagong
balangkas ng kaisipan ng may akda, pinalalawak ang kaisipang ito at isinasama
sa mga ideyang nakuha ng bumabasa sa pagbasa.
10. Pagbibigay ng opinion at
pala-palagay ayon sa mga kaisipan at informasyong malinaw na isinasaad ng akda.
11. Pag-aanalisa at
pagsasama-sama upang magkaroon ng panibagong pananaw o mataas na pamantayan ng
pag-unawa upang bayaan ang bumabasa na makapag-isip sa nais na ipakahulugan sa
mahahalagang kaisipan ng may akda.
12. Paghinuha (Inferring)
a) Pagpapatunay o pagtatanggol sa detalye
b) Pagbibigay ng haka-haka sa
karagdagang bagay na maaaring naisama ng may akda na nakakatulong upang ito’y
makapagturo, maging kawili-wili at makatawag pansin.
13. Pagkakasunud-sunod
(Sequence)
a) Pagbibigay ng palagay kung
anong mga kilos o pangyayari ang maaaring maganap sa pagitan ng dalawang
malinaw na ipinahayag na mga kilos o mga pangyayari.
b) Pagbibigay ng haka-haka sa
kung anu-ano ang maaaring susunod na mangyari kung ang akda ay natapos nang
hindi inaasahan, ngunit ito’y pinabayaang mangyari.
14. Paghahambing (Comparison)
Mahulaan o mabigyan ng sariling palagay o masabi ang pagkakaiba ng:
a)mga tuhan
b)mga pook
c)tauhan
a)
15. Pagkakaugnay ng sanhi at
bunga
a) Paghahaka sa mga motivo ng
mga tauhan at kanilang mga kinikilos ayon sa takbo ng panahon at pook
b) Pagbibigay ng palagay kung
bakit isinasama ng may-akda sa kanyang panulat ang:
1. mga kaisipan
2. mga gayong pananalita
3. katauhan ng tauhan
16.
Katangian ng Tauhan
Pagbibigay ng haka-haka tungkol sa
likas na ugali ng mga tauhan batay sa malinaw na palatandaangipinahahayag ng
akda.
a) Pagkuha sa maaring kalabasan
ng kwento
b) Pagbasa sa unang bahagi ng
akda at ibase sa pagbasang ito ang palagay sa maaaring kahinatnan ng akda.
c) Pagbibigay kahulugang akda.
III. Mapanuring Pagbasa (Critical Reading)
1. Pagbibigay halaga sa
katumpakan ng pagbabasa
2. Tiyakin ang kaugnayan nito sa
isang particular sa suliranin
3. Pagbibigay ng sariling pasya
tungkol sa:
a) katangian
b) kabuluhan
c) katumpakan
d) pagkanakatotohanan
4. Pagbibigay ng sariling
reaksyon tungkol sa mga kaisipang natutuhan o sa akdang nabasa
a) naibigan o di naibigan sa
pananaw ang akda
b) sang-ayon o di sang-ayon sa
sa kababasang akda
c) makikita ng mga kaisipang
nakagugulo ng damdamin o kaya’ynakapagpapalubag-loob
5. Paghatol at pagbibigay-pansin
sa katangian ng material na ginamit ayon sa:
a) katumpakan
b) pagiging kasiya-siya
c) kung ito’y kinalulugdan
d) kalimitan ng pangyayari
6. Pagpapasaya kung ito’y
maaring tunay na pangyayari o fantasya lamang batay sa karanasan ng bumabasa.
7. Pagpapasya kung ito’y
katotohanan o opinion lamang, analisahin o tantyahin:
a) ang pagsulat ay ibinase ayon
sa kaalaman ng paksa ng mga bumabasa
b) ang intension ng may akda
Mga tanong ng maaaring sundan:
1) Binibigyan ban g sapat na
pagpapatotoo ang kanyang katapusan?
2) Nagtatangka ba ang may akda
na ibaling ang inyong pag-iisip?
8. Pagpasya sa kaangkupan
Bininigyang pasya ang kasapatan nito alinsunod sa iba’t ibang bahagi ng
akda. Sa anong bahagi ng kwento inilalarawang mabuti ang tunay na katangian ng
pangunahing tauhan
9. Pagpapasya sa pagpapahalagang
moral
Pasyahan ang kinalulugdan at kinasisiyahang ugali ng mga tauhan batay sa
alituntunig moralidad o sistema ng pagpapahalaga.
Tanong na maaaring sundan:
a) Tama ba o mali ang tauhan sa
kanyang ginawa?
b) Ang ikinikilos ba niya ay
mabuti o masama?
IV . Aplikasyon sa Binasa /Paglalapat
1. Pagsanib ng mga kaisipang
nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawa
2. Malaman ang kahalagahan ng
nilalaman ng binabasa sa karanasan ng bumabasa.
3. Maragdagan ang pansariling
pang-unawa sa sarili.
4. Pagpapahalaga sa ibang tao,
pag-unawa sa daigdig na kanyang tinanahanan at ang mga bagay sa mundo na
nagpapakilos sa tao upang siya’y mag-isip, makadama at umasal ng kanyang
ikinikilos.
5. Pag-uugnay ng nilalaman sa
personal na karanasan.
Naranasan mo rin ba ang katulad ng
nangyari sa tauhan sa loob ng kwento? Ano ang ginawa mo?
6. Aplikasyon ng mga kaisipan sa
binasa sa kasalukuyang isyu at mga problema.
Kung ikaw ang tauhan, ano ang iyong
gagawin?
V.Pagpapahalaga (Appreciation)
1. Paglikha ng sariling
kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon.
2. Pagdama sa kagandahan ng
ipinahiiwatig ng nilalaman ng kwento.
3. Madama ang mga damdamin o
kaisipang likha ng guniguni o mga damdamin ng mga tauhan sa kanilang
pakikipagtunggali, papupunyagi at paghihirap.
4. Maipahayag ang mga
damdamin(kasiyahan, kagalakan, kalungkutan, pagkabigo, pagdakila o kabaliktaran
nito) ayon sa pamamaraan ng may akda sa kanyang:
a. mabisang pagpapahayag
b. pamamaraan ng pagbibigay ng mga katangian ng mga tauhan
5. Pagdama sa nilalaman ng
seleksyon.
Masabi ang mga damdaming napapaloob
sa seleksyon ayon sa:
a. interes
b. kagalakan
c. pagkainip
d. pagkatakot
e. pagkayamot
f. pagkagalit
g. pagkasuklam
h. kalungkutan
i. iba pa